Naniniwala ang hahay ng Philippine National Police na susundin pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang matagal nang tradisyon na seniority sa pagpili ng PNP Chief.
Sa harap ito ng patuloy na evaluation na ginagawa ng pangulo para makapili ng susunod na permanenteng PNP Chief kasunod ng pagbibitiw ni PNP Chief Oscar Albayalde.
Ayon kay PNP Spokesperson Brig Gen Barnard Banac napakahalaga na masunod ng pangulo ang seniority para hindi ito magdulot ng demoralisasyon sa hanay ng mga senior officers.
Paliwanag ni Banac, binubuo kasi ang PNP ng iba’t ibang batch o klase mula sa 2 institusyon tulad ng Philippine Military Academy at ng Philippine National Police Academy.
At kung pagbabasehan ng mga nakalipas na taon ibinabase ang pagpili sa kung sino ang senior officers na nagmula sa dalawang institusyon.
Pero magugunita na hindi sinunod ni Pangulong Duterte ang tradisyon nang italaga si dating PBGen. Ronald Bato dela Rosa na miyembro ng Sinagtala Class of 1986 bilang PNP Chief kapalit ni Retired P/Gen. Ricardo Marquez na mula sa Sandigan Class of 1982.
Samantala kinansela naman ng PNP ang naka schedule sanang assumption ceremony para sa sususnod na PNP Chief sa October 29 sa hindi pa matukoy na dahilan.