Sisikapin ng Philippine National Police (PNP) na matatapos na ang mga transaksyon ng iligal na droga sa bansa sa pangangasiwa ng susunod na administrasyon.
Ayon kay PNP Directorate for Operations Director Major Gen. Valeriano de Leon, may mga bagong stratehiya silang ginagawa ngayon para patuloy na mabawasan ang droga sa Pilipinas.
Sa katunayan aniya, naghahanda ang kanilang core team na mula sa iba’t ibang PNP directorates para sa pag-enhance o pagpapaganda pa ng mga strategy laban sa iligal na droga.
Sinabi pa ni De Leon na nasa version 2 na sila ng drug-related data sa pamamagitan ng generation system o ang integration and generation system para mas maging accurate ito.
Kasama nila sa paggawa nito ang mga barangay official na direktang nakakakilala ng kanilang mga ka-barangay.
Una nang ipinagmalaki ng PNP na sa buong panahon ng panunungkulan ni Pangulong Duterte ay nabawasan ang iligal na droga sa bansa.