Taas-presyo ng mga produktong gumagamit ng trigo, asahan na!

86

Asahang tataas din ang presyo ng instant noodles, pasta, biskuwit, at iba pang produkto sa bansa sa gumagamit ng trigo.

Ayon kay Wilson Flores, isang bakery owner at ekonomista, ito ay kasunod ng global wheat shortage dahil sa giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, na kapwa pangunahing supplier ng trigo.

Aniya, dapat mag-isip na ang pamahalaan ng mga paraan o gumamit ng ibang local ingredients upang hindi masyadong umaasa ang bansa sa imported wheat.


Sinabi pa ni Flores na panahon na rin upang mas maging malikhain ang mga Pilipino sa paggamit ng mga alternatibong sangkap sa paggawa ng tinapay, bagay na nagawa naman aniya noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments