Nagpapatuloy ang monitoring ng Philippine National Police (PNP) sa siyam na dating mga pulis na sinibak na sa serbisyo matapos mapatay ang apat na sundalo sa Jolo, Sulu nang nakalipas na taon.
Ito ay kahit inalis na sa Custody ng PNP ang siyam na pulis matapos na sibakin sa serbsyo at walang inilabas na warrant of arrest ang korte laban sa mga ito nang nakaraang Linggo.
Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Ildebrandi Usana, may instruction sa mga police operatives na bantayan ang galaw ng mga dismissed police officers matapos pauwiin na sa kanilang pamilya.
Sa ngayon, sinabi ni Usana na maaring nasa kanilang mga pamilya lang ang siyam na pulis at dahil may kautusan na ang Jolo, Sulu Regional Trial Court na sila ay arestuhin ay umaasa silang kusang loob na susuko ang mga ito.
Sinabi pa ni Usana na ang mga dating pulis na ito ay magbibigay ng kanilang posisyon sa korte kasama na ang kanilang sariling abogado.