PNP, umapela ng kolaborasyon sa lahat ng sektor para sa matagumpay na pagdaraos ng BSKE 2023

Nanawagan si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr., sa lahat ng sektor ng lipunan, kabilang ang pamahalaan, civil society, academe, mga relihiyosong samahan, at pribadong sektor, na magtulungan para sa isang matagumpay na Barangay at Sanggunian Kabataan Elections (BSKE).

Ang panawagan ay ginawa ni Acorda sa Nationwide Multi-Sectoral Peace Assembly, dalawang linggo bago ang BSKE sa Oktubre 30.

Ayon sa PNP chief, ang BSKE ang pundasyon ng demokratikong straktura ng bansa na mahalaga para sa kaunlaran at progreso ng bansa.


Hinimok ni Acorda ang mamamayan na itaguyod ang sense of duty, integrity and fairness sa darating na eleksyon.

Samantala, lumagda rin sa statement of commitment ang PNP kasama ang mga opisyal ng Commission on Elections, Department of the Interior and Local Government, Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Department of Education, PPRCRV at NAMFREL.

Matapos nito, nagpakawala rin ng mga puting kalapati ang mga opisyal bilang simbolo ng kapayapaan hinggil sa nalalapit na halalan.

Facebook Comments