Inihayag ni Philippine national Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa na simula kahapon wala nang pulis na malala ang kondisyon dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Gamboa, 247 na mga pulis na positibo sa virus ay naka home quarantine nalang habang 18 positibo pa ay nasa quarantine facilities pero patuloy silang inoobserbahan.
129 na pulis naman ay categorized bilang mild to moderate cases.
Sa ngayon 315 na pulis ang positibo sa COVID-19 pero 163 ay gumaling na habang nanatili sa apat na pulis ang namatay dahil sa COVID-19.
Aminado naman si PNP Chief Gamboa na nitong mga nakalipas na buwan ay nahirapan ang kanilang hanay na gampanan ang kanilang tungkulin dahil sa banta ng COVID-19.
Pero nagpatuloy sila sa pagtupad na protektahan ang mga Pilipino kaya naka-deploy pa rin ang mga pulis sa mga quarantine control points at mga quarantine facilities.
Sinabi ni Gamboa ang pagdedeploy sa mga pulis ay bahagi ng “new normal” na ipinatutupad ng gobyerno sa harap nang patuloy na banta ng COVID-19 pandemic.