PNP, wala pa ring proof of life sa mga nawawalang sabungero

Aminado ang Philippine National Police (PNP) na wala pa rin silang proof of life sa 34 na nawawalang mga sabungero.

Ito’y sa kabila ng puspusang imbestigasyong isinasagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa kaso.

Ayon kay PNP Gen. Rodolfo Azurin Jr., hindi pa rin nila makumpirma sa ngayon kung nasaan na ang mga nawawalang sabungero.


Pero umaasa ang PNP chief na dahil sa mga nakakakalap nilang ebidensya at ang pagkakaroon kamakailan ng breakthrough sa kaso ay matutunton din ang kinaroroonan ng mga ito.

Matatandaan nuong nakalipas na linggo sinampahan ng kasong kidnapping at serious illegal detention ng PNP sa Department of Justice (DOJ), ang dalawa pang suspek na nakita sa isang secret cellphone video na kasama ng isang nawawalang sabungero sa Laguna.

Nakipagpulong din kamakailan si DOJ Sec. Crispin Remulla sa mga kamag-anak ng mga nawawalang sabungero para i-update ang mga ito sa kaso.

Facebook Comments