MPD, naka-heightened alert na para sa kapaskuhan at pista ng Itim na Nazareno

Naka heightened alert na ang Manila Police District (MPD) kasunod ng pagpasok ng Disyembre at tatagal ito hanggang sa mismong Kapistahan ng Quiapo o Black Nazarene.

Nagsimula na ring mag-ikot ang mga awtoridad sa mga palengke, parke, malls, simbahan, bus carousel, partikular sa Divisoria.

Ito ay kasabay ng paglunsad ng MPD ng Oplan Bandillo sa 999 Shopping Mall sa CM Recto Avenue, at 168 Shopping Mall sa Binondo Manila.


Nauna nang sinabi ng MPD, na mahigit 4,000 na tauhan ang ipapakalat nila sa buong Maynila upang paigtingin ang police visibility at matiyak ang kaligtasan ng publiko sa mga matataong lugar.

Facebook Comments