Patuloy na naguusap ang security cluster para matukoy kung irerekomenda nila o hindi ang deklarasyon ng ceasefire o tigil putukan sa pagitan ng CPP-NPA.
Ayon kay PNP Spokesperson Brig Gen Bernard Banac naka antabay lamang sila sa magiging opisyal na pahayag kaugnay dito.
Sa ngayon aniya patuloy ang kanilang law enforcement operations.
Ang lahat aniya ng may standing warrant of arrest ay tinutugis para mapanagot sa batas at maiharap sa korte.
Kanina sa isang text message sinabi naman Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi na nila irerekomenda sa pangulo ang ceasefire sa pagitan ng CPP NPA.
Ito ay dahil aniya nitong mga nakalipas na taon hindi kailanman naging seryoso ang CPP NPA kapag kapwa nagpapatupad ng ceasefire ang tropa ng pamahalaan at CPP NPA tuwing holiday season.