PNP, wala pang natatanggap na surrender feelers mula sa mga nasa likod ng pagpatay kay Gov. Degamo

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na wala pa silang natatanggap na surrender feelers mula sa mga nasa likod ng pamamaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, umaasa silang mahuhuli na ang nalalabi pang mga suspek dahil sa maigting na hot pursuit operations sa lugar.

Maliban kasi sa mga pulis ay bantay sarado rin ng tropa ng militar ang buong Negros Island upang hindi makalabas sa isla ang mga natitira pang suspek.


Kasunod nito, kumpyansa ang PNP na mareresolba na ang Degamo slay case sa lalong madaling panahon.

Ito ay dahil sa may hawak ng impormasyon ang pulisya patungkol sa kung sino ang mastermind at iba pang sangkot sa krimen.

Sa kasalukuyan, may 12 John Does pa ang nananatiling at large subalit batid na ng binuong Joint Task Force Negros ang kinaroroonan ng mga ito.

Facebook Comments