PNP, walang naitalang aberya sa pagsisimula ng 30th SEA Games

Naging maayos ang pagsisimula ng ika-30th South East Asian (SEA) Games nitong weekend.

Ayon kay PNP Spokesman B/Geneneral Bernard Banac, hindi sila nakapagtala ng   malalaking krimen sa pagsisimula ng SEA Games at nagpapasalamat sila sa publiko dahil naipakita sa SEA Games ang disiplina at pagkakaisa ng mga Pilipino.

Muli namang siniguro naman ni Banac ang kahandaan ng PNP sa pagbabantay ng seguridad sa pagdarausan ng mga sporting event na gagawin sa iba’t ibang rehiyon hanggang December 11.


Samantala, sa isang statement sinabi ni PNP OIC Lieutenant General Archie Gamboa na  buo pa rin ang suporta ng PNP sa Philippine Sea Games Organizational Committee (PHISGOC) at sa mga atletang Pinoy na nakikipaglaban para sa karangalan ng bansa.

Facebook Comments