Walang nagiging problema ang Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad ng health safety protocols sa mga tourist destination sa bansa.
Ito ay matapos payagan ng gobyerno na buksan ang turismo sa ilang lugar sa bansa partikular ang Boracay Island sa Aklan, Tagaytay sa Cavite at Baguio City sa Cordillera sa harap ng banta pa rin ng COVID-19.
Ayon kay PNP Chief General Camilo Cascolan, alam na ng mga turista ang kanilang dapat at hindi dapat gawin kaya walang nagiging problema ang PNP.
Aniya, pagdating pa lang ng turista sa isang pasyalan ay sandamakmak na paalala o reminders ang kanilang nakikita at may mga nakikiusap pa para maiwasan ang pagkakahawa ng COVID-19.
Matatandaang may ilang Local Government Units (LGU) na rin ang ang nagpahayag na magbubukas na nang turismo sa kanilang lugar kaya ang PNP ay inalerto ang mga local police commanders para mas mahigpit na ipatupad ang heath safety protocols.