Dalawang lalaki na may kasong rape at pagpatay, nahuli ng mga tauhan ng PNP-AKG

45

Naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang dalawang lalaking may kasong panggagahasa at pagpatay sa Navotas at Pasig City

Ayon kay PNP-AKG Spokesperson Major Ronnie Lumactod, kinilala ang naaresto na sina Eric Rueda, isang truck driver na may kasong panggagahasa at number 4 most wanted person sa Zumaraga, Samar.

Hinalay nito ang isang 16-anyos na dalagita na may problema sa pag-iisip.

Nagawa pa nitong magtrabaho sa Dubai ng limang taon bago naaresto sa Navotas City sa bisa ng warrant of arrest.

Kinilala naman ang isa pang naaresto ng PNP-AKG na si Edizon Villaran, construction worker, na umano’y suspek sa brutal na pagpatay sa Cardona, Rizal.

Sinasabi rin na tipster ang suspek ng Maray Kidnap-for-Ransom Group at nahuli ito sa Pasig City.

Bago naaresto nagpalipat-lipat siya nang tinitirhan para hindi matunton ng mga awtoridad.




Facebook Comments