PNP, walang nakikitang mali sa “shame campaign” sa mga sangkot sa iligal na droga

Cebu, Philippines – Suportado ng Philippine National Police sa Region 7 ang inisyatiba ng isang barangay sa lungsod ng Lapu-Lapu sa Cebu na “shame campaign” laban sa mga drug personalities sa kanilang lugar.

Reaksiyon ito ni Police Regional Office-7 director, Chief Supt. Jose Mario Espino sa pagmamarka ng mga barangay officials sa mga bahay ng hinihinalang sangkot sa negosyo sa ipinagbabawal na gamot sa Barangay Pajo, Lapu-lapu City.

Ayun kay Espino wala itong nakikitang mali sa inisyatiba ng barangay sa pamumuno ni Barangay Captain Junard Ahong Chan, basta`t masiguro lang na walang malalabag na karapatang pantao sa kampanya nito laban sa ipinagbabawal na gamot.


Ngunit sinabi ni Espino na kapag may makitang human rights violation sa shame campaign ng barangay, ipapahinto niya ito sa hepe ng Lapu-Lapu City Police Office na si Sr. Supt. Rommel Cabagnot .

Ilang bahay na ang nalagyan ng marking “identified drug den area” kaugnay ng shame campaign ng barangay.

Facebook Comments