Davao City Councilor Nilo Abellera Jr., magsasampa ng kaso laban sa broker na si Mark Taguba at Senator Trillanes

Davao City, Philippines – Binabalak na ngayon ni Davao City First District Councilor Nilo Abellera Jr. ang pagsasampa ng kaso laban kay Broker Mark Taguba at kay Senador Sonny Trillanes.

Sinabi ni Abellera na malaki ang posibilidad na ihain nito ang kaso laban kay Taguba at Trillanes matapos siyang idawit sa tara ng BOC at bilyong halaga ng shabu mula sa China.

Ayon pa sa konsehal, sinira ng dalawa hindi lang ang kanyang pangalan kundi pati ang kanyang reputasyon na labis ang epekto sa kanyang pamilya.


Bagamat sinabi ni Abellera, magiging depende ang lahat sa magiging kalabasan ng kanyang muling pagdalo sa senate inquiry.

Pinandigan din ng konsehal na hindi siya nakatanggap ng limang milyong piso kay Taguba na bahagi ng Davao Group kaya napakaimposible na makilala niya ang nagngangalang tita Nani at iba pang personalidad.

Facebook Comments