PNP, walang nakikitang rason para magkaroon ng destabilisasyon laban sa kasalukuyang administrasyon

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., ang 100 porsyentong suporta ng Pambansang Pulisya sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ginawa ni Acorda ang pahayag kasunod ng ulat na may namumuo ‘di umaong destabilisasyon laban kay Pangulong Marcos na una nang pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Acorda, wala silang nakikitang anumang rason para magkaroon ng destabilisasyon dahil very stable naman ang kasalukuyang gobyerno.


Giit pa ni Acorda, may ilan mang usapin na kinakaharap ang Pambansang Pulisya, subalit agad naman itong natutugunan, gaya na lamang ng isyu ukol sa Military, Uniformed Personnel o MUP pension.

Facebook Comments