PNP, walang namomonitor na posibleng retaliatory attack ng Maute terrorist group sa Metro Manila

Manila, Philippines – Walang namomonitor ang Philippine National Police na magsasagawa ng retaliatory attack ang teroristang Maute group sa Metro Manila.

Makaraang pumanaw sa loob ng kulungan si Cayamora Maute, ang ama ng magkapatid na teroristang sina Abdullah at Omar Maute na kapwa pasimuno ng kaguluhan ngayon sa Marawi City.

Ayon kay PNP Chief Director General Ronald dela Rosa, malabong makapagsagawa ng retaliatory attack ang teroristang Maute group sa Metro Manila dahil nahihirapan na ang kanilang hanay ngayon sa loob ng Marawi City.


Pero, maaring ang mga taga simpatya ng maute ang magsagawa ng pag-atake.

Ngunit hindi naman daw dapat na ikatakot ito ng publiko dahil kontrolado ito ng mga awtoridad.

Facebook Comments