Brgy. Kapitan uminit ang ulo, nagpakawala ng putok, magsasaka nahagip ng bala

Patay ang isang 25 anyos na magsasaka matapos tamaan ng ligaw na bala sa Brgy Poblacion Pagalungan Maguindanao pasado alas singko kahapon.

Kinilala ni Pagalungan Chief of Police Inspector Razul Pandulo ang nasawi na si Rasul Madidis na tinamaan ng bala ng m16 armalite rifle sa leeg at kanyang katawan.

Sa initial na investigation ng PNP, lumalabas na nagmula ang mga balang tumama kay Madidis sa isinagawang indiscriminate firing ng Brgy Poblacion Chairperson na si Farouk Matalam.


Uminit umano ang ulo ng kapitan sa di malamang dahilan ay agad agad na nagpaputok ng kanyang baril , resulta ng pagkakahagip sa biktima na nooy nakatayo di kalayuan kay kapitan.

Narecover sa area ang 37 piraso ng empty shells ng M16.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP Pagalungan si Kapitan Matalam.

Napag alaman na walang kaukulang papeles ang baril na ginamit ni Kapitan ayon sa PNP. (DENNIS ARCON)

GOOGLE PIC

Facebook Comments