PNP, walang namomonitor na untoward incident sa pag-obserba ng All Saints’ Day

Manila, Philippines – Walang namonitor ang PNP na anumang untoward incident sa pag-obserba ng All Saints’ Day ngayong araw.

Ito ang iniulat ni PNP spokesman Csupt Dionardo Carlos batay sa huling reports mula sa PNP field units na ipinadala sa PNP-National Operations Center sa Camp Crame.

Ayon Kay Carlos, aktibong minomonotor ng NOC ang mga reports mula sa 2,417 Police Assistance hubs na itinatag ng mga Police Regional Offices sa ibat-ibang panig ng bansa.


Bukod dito Aniya, 5,525 pulis mula sa iba’t ibang Police regional offices ang nakadeploy bilang Road safety marshals para umamalaly sa mga bumibiyahe patungong mga lalawigan.

Wala din aniyang significant incident na inereport sa mga pangunahing rota ng mga bumibiyahe sa daan ngayong araw na ito.

Facebook Comments