PNP, walang natatangap na specific guidelines mula sa pangulo kaugnay sa pahayag nitong pag-aresto sa mga hindi magpapabakuna

Hindi nakakatangap ng anumang specific guidelines ang Philippine National Police (PNP) mula kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pahayag nitong arestuhin ang mga hindi magpapabakuna kontra COVID-19.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, maaring sa mga susunod araw ay magkakaroon ng paliwanag ang pangulo sa kaniyang pahayag.

Dahil sa ngayon aniya, halos kulangin pa ang supply ng bakuna sa bansa sa dami ng pumipila para lang mabakunahan.


Ibinigay pa na halimbawa ni PNP Chief sa PNP na noong una ay nasa 51 percent lang ang gustong magpabakuna batay sa kanilang mga survey.

Ngunit sa tulong ng information dissemination ay marami na ang nakumbinsi.

Sa kasalukuyan ay 93 percent na ng mga PNP Personnel ang gustong magpabakuna.

Sa ngayon, mahigit 28, 000 ng mga tauhan ng PNP ang nabakunahan na, habang ang iba ay naghihintay lang ng pagdating ng bakuna.

Facebook Comments