Manila, Philippines – Bente-kwatro oras ang ginagawang pagbabantay ngayon ng PNP Information Technology Management Service sa Website ng Philippine National Police
Ito ay matapos na madiskubre ng pamunuan ny PNP ITMS na napakaraming hackers ang nagtatangkang i-hack ang official website ng PNP.
Ayon kay PNP ITMS web service chief, police chief inspector Felizardo Eubra na bagamat 100 percent secure ang PNP website laban sa mga hackers hindi naman daw sila nagpapakampante.
Sa ngayon mas mahigpit ang pagmomonitor nila mga suspicious hacking activities upang hindi makaubra ang mga hackers.
Sa rekord naman ng PNP ITMS, wala pang insidente na na-hack ang website ng PNP.
Facebook Comments