2 special bank accounts, binuksan ng AFP para sa tulong sa mga naapektuhan ng gulo sa Marawi City

Manila, Philippines – Nagbukas ang Armed Forces of the Philippines ng dalawang account sa bangko para sa tulong sa mga pamilya ng mga sundalong nasawi sa gulo sa Marawi City.

Sa statement na inilabas ni AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, maliban sa pamilya ng mga sundalo ipapamahagi rin sa mga sibilyang apektado ng gulo ang malilikom na tulong.

Ang dalawang special accounts na binuksan ng AFP sa Land Bank of the Philippines ay may account name na AFP Marawi Casualty at may Account Nr ‎00000552107128.


Habang ang isa pang Account name: Marawi internally displaced persons at Account nr: ‎00000552107136

Sa mga bank accounts na ito maaring ipadala ng sinumang gustong magbigay ng tulong ang kanilang donasyon.

Facebook Comments