Ikinokonsidera ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kadete ng Philippine National Police Academy bilang “last resort” sakaling magkaproblema sa mga magsisilbing board of election inspectors sa halalan sa Mayo.
Ito ay dahil hindi pa rin naaaprubahan ang 2019 National Budget kung saan kukunin ang honorarium ng mga gurong magsisilbing BEI.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, ngayon pa lang ay nagsasanay na ang mga PNPA cadets maging ang ilang PNP personnel sa kung ano ang kanilang gagawin sakaling sila ang magsilbing BEI sa ilang lugar sa bansa.
Bukod sa kanila, may mga naka-standby na rin na mga guro sakaling kulangin ang Comelec.
Nauna nang nagpahayag ng pakikiisa ang Comelec sa kahilingan ng DepEd sa kongreso na ipasa na ang 2019 budget para may maibigay na bayad sa serbisyo ng mga gurong magsisilbi sa eleksyon.