Gumagamit na rin ng online learning ang mga kadete ng Philippine National Police Academy (PNPA) sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ito’y sa pamamagitan ng mga virtual classroom na isa sa mga ginagawa sa PNPA sa Camp General Mariano Castañeda na pinasinayaan ni PNP Chief Police General Camilo Cascolan.
Ayon kay PNPA Director, Brigadier General Gilbert Cruz, itinayo nila ang virtual classrooms upang hindi na kailangan mag-face-to-face lecture makaraang isailalim sa quarantine ang nasa 1,098 kadete at 361 personnel nito kamakailan.
Sa pamamagitan nito, ay nakakapagpatuloy sa kanilang pag-aaral ang mga kadete kahit sila ay naka-confine sa kani-kanilang barracks.
Sinabi rin ni Cruz na COVID-19 free na ang PNPA at kanila pa din gagamitin ang virtual classrooms upang masiguro na mananatiling ligtas sa virus ang akademya.