Mas pinagting ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang ‘Oplan Katok’ ngayong panahon ng eleksyon.
Ang Oplan Katok ay ang pagbabahay-bahay ng mga pulis para himukin ang mga may-ari ng baril na expired ang lisensya na isuko ang kanilang baril.
Ayon kay Firearms and Explosives Office Director Police BGen. Alvin Delvo, layunin ng Oplan Katok ay matiyak ang maayos na eleksyon sa Mayo.
Hindi kasi nila inilalayo ang posibilidad na magamit ang mga baril na expired na ang lisensya sa krimen.
Paliwanag niya, sa Oplan Katok, binibigyan nila ng “acknowledgement receipt” ang magsusuko ng baril at ilalagay ito sa kustodiya ng PNP para sa “safe keeping.”
Kaya panawagan ni Delvo sa mga gun owner na kusang mag-renew ng lisensya para hindi na makatok.
Facebook Comments