PSA, naitala ang tatlong taong magkakasunod na may mataas na farmgate price ng baboy

118

Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang tatlong taong magkakasunod na taong may mataas na farmgate price ng baboy.

Batay sa swine situation report ng PSA, noong huling quarter ng 2019, nasa ₱102.1 lang kada kilo ang farmgate price ngunit tumaas ito noong huling bahagi ng 2020 na nasa ₱125.6 kada kilo.

Pero sa parehong panahon noong 2021, tuluyan nang tumaas ang farmgate price na naitala sa ₱152.4.


Tumaaas ng 21 .5 percent ang farmgate price ng baboy noong 2021.

Pinakamataas na naitala na farmgate price ay noong December 2021 na umabot sa ₱161.62 habang ang pinakamababa ay naitala sa ₱143.35 kada kilo noong October 2021.

Facebook Comments