Habang gumugulong ang konstruksyon ng Philippine National Railways (PNR) North-South Commuter Railway (NSCR), papanatilihin ang mga lumang istasyon sa probinsya ng Bulacan na itinayo noon pang 1892, ayon sa mga opisyal.
Ayon kay PNR General Manager Junn Magno, mayroon pang natitirang 10 istraktura, na planong i-restore para aniya makita pa rin ang kasaysayan ng PNR.
Isasaayos nang babagay sa bagong disenyo ng mga istasyon, ang mga natitira sa Balagtas, Guiguinto, Malolos, at Calumpit.
Para naman kay Perfecto Martin, head ng “Kabesera ng Bulakan” na isang cultural and heritage group, makatutulong ang planong ito ng PNR para maibalik ang “glorious past” ng lumang railway system.
Ang P777-million NSCR system ay may habang 147-kilometro, at may 36 stations mula Clark International Airport sa Pampanga hanggang Calamba, Laguna, habang ang south line naman ay mula Manila hanggang Laguna.