PNR PROJECT | Mahigit 100-libong pamilya, ire-relocate

Manila, Philippines – Nasa 100-libong pamilya na maapektuhan ng North-South Railway Project ng Philippine National Railway (PNR) ang ire-relocate ng pamahalaan.

Sa susunod na taon na kasi sisimulan ng Department of Transportation (DOTr) ang pagpapalawig ng biyahe ng PNR mula Maynila patungong Los Baños, Laguna, Naga, Legazpi, Sorsogon at Batangas.

Sa ilalim ng kasunduang nilagdaan ng DOTr, PNR at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, maglalaan ng murang pabahay para sa mga apektadong pamilya na pawang mga informal settlers.


Ang PNR project ay may habang 653-kilometers at magiging alternatibong transportasyon para sa mga pauwi ng Bicol region.

Facebook Comments