POC, planong kumuha ng mga PBA player na isasabak sa 2019 SEA Games

Manila, Philippines – Plano ngayon ng Philippine Olympic Committee (POC) na kumuha ng mga players sa PBA na kanilang isasabak sa South East Asian Games (SEA Games).

Nabatid kasi na nais ng POC na madepensahan ng Pilipinas ang gold medal na kanilang nakuha noong 2017.

Suportado naman ng PBA board of governors at ng samahang basketbol ng Pilipinas ang nasabing plano kung saan inaantay na lamang nila ang huling desisyon ng olympic committee.


Gaganapin ang 2019 edition ng sea games sa bansa sa November 30 hanggang December 11.

Facebook Comments