POEA, iginiit na hindi sila ang dapat mangolekta ng SSS contribution ng mga papaalis na OFW’s

Iginiit ngayon ni Philippine Overseas Employment Administration o POEA Administrator Bernardo Olalia na wala silang otoridad para mangolekta ng mga hulog ng Overseas Filipino Workers (OFW) sa Social Security System o SSS.

 

Ayon kay Olalia, hindi daw dapat gawing collecting agent ng SSS ang POEA kung saan hindi din daw dapat itong gawing requirement para makakuha ng Overseas Employment Certificate (OEC).

 

Matapos din ang isinagawa nilang konsultasyon sa iba’t-ibang sektor, inirekomenda ng POEA sa Department of Labor and Employment (DOLE) na suspindihin na ang pangongolekta ng SSS premiums ng mga papaalis na OFW’s.


 

Sa kabila nito, sinusuportahan naman ng poea ang compulsory SSS coverage sa mga OFW’s pero sinabi ni Olalia na dapat ay magkaroon ng kasunduan hinggil dito.

 

Bukod dito, maaari daw kolektahin ng SSS ang kontribusyon ng isang OFW’s kapag nakaalis na ito at mayroon na din kinikita.

 

Matatandaan na ang nasabing isyu ay bahagi ng implementing rules and regulations na isang bagong panuntunan ng SSS.

Facebook Comments