POEA, maglalabas ng advisory hinggil sa mga maapektuhan ng temporary ban ng US

Pinawi ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang pangamba ng publiko kasunod ng desisyon ng Estados Unidos na magpatupad ng one-year ban sa pagtanggap ng Filipino workers sa agricultural at non-agricultural sectors.

Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia – maglalabas sila ng advisory kung paano makakaapekto ang ban sa mga aplikante.

Makikipagtulungan din sila sa Department of Foreign Affairs (DFA) kung paano tutugunan ang isyu.


Base sa abiso ng U.S. Department of Homeland Security na ang ban sa mga Pilipinong manggagawa na may H2-A at H2-B visa ay epektibo nitong January 19, 2019 hanggang January 18, 2020.

Ang ban ay ipinatupad bunsod ng mataas na bilang ng mga Pilipinong ‘overstaying’ at sangkot sa human trafficking.

Sa datos naman ng Philippine Association of Service Exporters Inc. (PASEI), ang top industries na gumagamit ng H2-B visas ay resort and hospitality services, retail sales, landscaping, food service and processing, maging ang construction.

Facebook Comments