Hindi na required ang mga naghahanap ng trabaho ng placement fee para sa ilang trabaho na inaalok sa ibang bansa.
Ayon kay Philippine Overseas Employment Agency Administrator Bernard Olalia, naaangkop lamang ito sa mga trabaho sa ilalim ng government-to-government agreement sa ilang bansa.
Sinabi pa ni Olalia, sinisilip na rin nila ang employment opportunities sa ilang itinuturing na ‘emerging markets’ tulad ng United Kingdom, New Zealans, Germany, Canada, Australia, Taiwan, Romania, Croatia at Hungary.
Dagdag pa ng POEA, ang pagdami ng job opportunities sa abroad ay bunsod ng pagluluwag ng mga ito sa COVID-19 restrictions.
Ilan sa mga trabaho kinakailangan sa ibang bansa ay mga healthcare workers, factory workers, hotel staff, at maging ang transportation at aviation staff.
Dahil dito, inaabisuhan ang publiko na ugaliing i-check ang website ng POEA para sa job openings habang hinihimok din nito ang mga Pilipino na sumailalim sa training at mag-upgrade ng kanilang skills sa pamamagitan ng TESDA.