Mega job fair, isasagawa ngayong araw sa mga lungsod ng Mandaluyong at Las Piñas!

Heads up para sa ating mga job seekers sa Mandaluyong at Las Piñas!

Ihanda ang mga resume at iba pang dokumento dahil magsasagawa ng face-to-face job fair ngayong araw, July 20 hanggang bukas, July 21 sa SM Megamall Megatrade Hall 3 sa lungsod ng Mandaluyong.

Magkakasama sa pagbibigay ng trabaho ang DZXL Radyo Trabaho, Jobquest.ph at ang Public Employment Service Office (PESO) Mandaluyong sa job fair na pinamagatang “Trabaho for every Juan!.


 

Kasabay rin nito ang virtual job fair na isasagawa naman sa www.jobquest.ph sa loob din ng dalawang araw.

Wait, there’s more dahil pati ang Las Piñas City PESO ay may handog ding Food and Job Caravan ngayong araw.

Isasagawa naman ito sa Robinson Place Las Piñas sa ganap na 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Kaya ano pang hinihintay niyo, mga ka-radyo? Sugod na!

Facebook Comments