Nagbabala ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga Filipino sa Japan tungkol sa mabigat na parusang naghihintay sa mga dayuhang lumalabag sa Immigration and Refugee Control Act ng naturang bansa.
Ito’y kasunod ng mga ulat na may mga Pilipino sa Japan na pumapasok sa mga trabaho na iba sa nakasaad sa kanilang kontrata, permit o mataas sa limitasyon na nakasaad sa kanilang Visa.
Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, bukod sa pagkakadetine bago ma-deport, ang mga mahuhuling lumalabag sa batas ng Japan ay maaari ding makulong at hindi na muling papayagang bumalik sa naturang bansa depende sa bigat ng kanilang kasalanan.
Paalala ng POEA, tanging sa mga Lisensiyadong Recruitment Agency lang makipag-ugnayan ang mga pinoy na nais magtrabaho sa Japan.