Sa layuning mabigyan pa ng karagdagang proteksyon ang mga Overseas Filipino Workers, nilagdaan kamakailan ng Philippine Overseas Employment Administration ang Department Order No. 228 o Enhance Compulsory Insurance.
Sa Laging handa public press briefing, sinabi ni POEA Administrator Bernard Olalia na ang nasabing DO ang siyang pupuno sa kakulangan ng Republic Act 122.
Aniya, ang sakop lamang kasi ng naturang batas ay ang pagbibigay ng insurance coverage sa mga agency hired OFWs kaya ngayon ay sasakupin na rin nito maging ang mga balik manggagawa at direct hired OFWs.
Paliwanag ni Olalia, sa ilalim ng bagong kautusan, maaaring makatanggap ng $7,500 ang isang OFW na naaksidente habang ginagampanan ang kanyang trabaho, $10,000 o katumbas ng P500,000 kapag ito ay nasawi at $15,000 o P750,000 insurance coverage kapag accidental death.
Kinakailangan lamang aniyang lehitimo ang mga employers at agency ng mga OFW para ma-avail ang nabanggit na benepisyo.