POGO, Chinese version ng US-visiting forces agreement, operasyon ng POGO sa bansa, muling ipinanawagan na itigil na

Inihalintulad ng ilang kongresista ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) na bersyon ng US-Visiting Forces Agreement (VFA) ng China.

Sa tingin ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Party-list Representative Carlos Zarate, mistulang base militar ang POGO ng China dahil sa paglaganap nito sa bansa.

Tulad aniya sa VFA na malayang nakakalabas at nakakapasok ang mga Kano, ganoon din ang mga Chinese na nagtatrabaho sa mga POGO.


Bukod dito, naging pugad na rin ng iligal na gawain ang mga POGO tulad ng sugal, prostitusyon at iligal na droga na wala ring pinagiba sa VFA kung saan lumaganap din ang mga pangaabuso sa mga lugar na may US military bases.

Pinangangambahan pa rin na ginagamit lamang ng China ang POGO sa Pilipinas para sa kanilang military at political purpose.

Dahil dito, muling kinalampag ni Zarate ang pamahalaan na ipatigil na ang operasyon ng POGO dahil mas marami ang negatibo na makukuha dito ng bansa kumpara sa kapakinabangan.

Facebook Comments