POGO establishment sa Pampanga na sangkot sa human trafficking, ipinasara ng DILG; nasa 43 na dayuhan, na-rescue

Sinalakay ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Lucky 99 Outsourcing Incorporated, isang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) establishment sa Angeles City sa Pampanga.

Nasagip mula sa operasyon ang 43 na dayuhang biktima ng human trafficking, dahilan para ipasara ng kagawaran ang nasabing establishment.

Ayon sa DILG, makikipagtulungan sila sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Securities and Exchange Commission (SEC) para sa mas malawak na imbestigasyon hinggil sa insidente.


Dagdag pa ng ahensya, patuloy ang pagsugpo ng mga otoridad laban sa nagaganap na human trafficking na kinasasangkutan ng mga POGO.

Facebook Comments