Mas mababang presyo ng diesel, inaasahan ngayong darating na linggo

Posibleng magkaroon ng apat na pisong rollback sa presyo ng kada litro ng diesel ngayong darating na linggo, habang walang nakikitang paggalaw sa presyo ng gasolina, ayon sa fuel forecast ng kumpanyang Unioil.

Mas mababa ito kumpara sa P2.50 hanggang tatlong pisong forecast ng kumpanya noong Biyernes.

Ito ang magiging ikatlong magkakasunod na linggo ng rollback kung magpapatuloy ang inaasahang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo.


Samantala, bukas iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang huling adjustment sa presyo ng nasabing produkto, na magiging epektibo naman sa Martes.

Facebook Comments