Point-to-point travel sa mga menor de edad na nasa Alert Level 3, pinapayagan na

Papagayan na ang point-to-point travel para sa mga menor de edad simula sa Sabado, Oktubre 16 kasabay ng pagpapatupad ng Alert Level 3 sa Metro Manila

Ayon kay Department of the Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya, ang pagbiyahe ay point-to-point lamang na ibig sabihin ay mula sa bahay hanggang sa destinasyon lamang.

Aniya, hindi pa rin papayagan ang mga menor de edad na magpunta sa mga pampublikong lugar, palaruan at mga parke na sarado pa rin sa Alert Level 3.


Nilinaw rin ni Malaya na sa muling pagbubukas ng mga sinehan na may 30 percent capacity ay ipapatupad ang one seat apart, dapat ay naka-mask ang mga manonood at ipagbabawal ang pagkain.

Kasabay nito, tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque III na mahigpit na imo-monitor ang mga sinehan kung nasusunod ang minimum health public standards.

Facebook Comments