Pokwang, umaray sa kanyang electric bill

130
COURTESY: itspokwang27 INSTAGRAM

Hindi naiwasan ng komedyanteng si Marietta Subong o mas kilala bilang Pokwang na maglabas ng frustration sa social media.

Ito ay matapos na malaman na umabot sa mahigit P131,000 ang bill niya sa kuryente para sa apat na buwang consumption.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Pokwang na tila nanghuhula ang Meralco sa kanilang computation.

Pabiro pang sinabi ng actress/comedian, ano ba ang kanyang tinitirahan? pabrika raw ba para ganoon na lang kataas ang kanilang electric bill?

Bukod kay Pokwang, una na ring nagreklamo ang ilang artista dahil sa mataas na electric bill.

Kabilang dito ang aktor na si Richard Yap na umabot sa 55,000 ang bill ngayong June 2020.

Facebook Comments