Nangangailangan ngayon ng libu-libong manggagawa sa bansang Poland.
Ayon kay Elsa Villa, presidente ng Philippine Association of Service Exporters Incorporated (PASEI), may mga trabaho sa Poland na puwedeng aplayan kahit walang experience ang aplikante at hindi skilled worker.
Kabilang aniya sa mga bakanteng trabaho sa Poland ay nasa manufacturing sector, fish and meat processing, information technology o IT personnel at heavy duty truck drivers.
Sabi pa ni Villa, bukod sa magandang sahod, may pag-asa pa na madala ng manggagawa ang kaniyang pamilya sa naturang bansa pagkaraan ng limang taon.
Maliban sa Poland, nangangailangan din ng construction workers at factory workers sa ang Czech Republic.
Paalala naman ni Bernard Olalia, administrator ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), tiyaking lisensyado ng POEA ang recruitment agency at alamin din kung may job order sila sa mga bansang nais na aplayan.
Makikita rin aniya sa website ng POEA ang mga job opening at accredited recruitment agencies sa bansa.