Pole vaulter EJ Obiena, nagkamit ng gold medal sa taby stab gala street sa Sweden

Nakasungkit ng gold medal ang Filipino Pole Vaulter na si EJ Obiena sa Taby Stab Gala Street Pole Vault tournament sa Stockholm, Sweden.

Ito ay matapos makapagtala si Obiena ng 5.80 meters sa kaniyang unang sabak.

Nakakuha rin ng 5.80 meters ang 2016 Rio Olympics gold medalist na si Thiago Braz pero inilagay sa ikalawang puwesto o silver medal dahil sa count back.


Samantala, nakapagtapos din ng 5.80 meters si Andrew Irwin ng Estados Unidos ngunit inabot siya ng tatlong attempt.

Isa sa mga magrerepresenta si Obiena sa gaganaping Tokyo Olympics ngayong buwan.

Facebook Comments