Dahil sa pagiging strikto o pagiging disciplinarian kaya napili si Central Visayas Regional Director Debold Sinas para maupo bilang National Capital Region Police Office (NCRPO) chief.
Kaya naman ayon kay PNP spokesperson Brigadier General Bernard Banac aasahan na ang mahigpit na pamamalakad sa NCRPO ni Brigadier General Sinas.
Bago itinalaga bilang Regional Director ng Central Visayas Police Office, naging hepe rin si Sinas ng PNP Crime Laboratory.
Pinalitan ni Sinas si Major General Guillermo Eleazar na na-promote bilang Chief of the Directorial Staff na siyang ika-apat sa pinakamataas na posisyon sa Pambansang Pulisya.
Itinalaga si Eleazar sa posisyon matapos ang pagreretiro ni Police Lieutenant General Fernando Mendez.
Facebook Comments