Police captain na sana ay promoted ngayong araw inaresto dahil sa pangongotong

Hindi na natuloy pa na-promote ngayong araw bilang Police Major ang isang Police Captain matapos na maaresto ng mga tauhan ng PNP Counter Intelligence Task Force dahil sa pangongotong noong Biyernes.

 

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, inalis muna sa listahan ng mga promoted ngayong araw si Police Captain Gerry Manuel Revecho, Hepe ng ID  production section ng PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agencies o SOSIA.

 

Ito ay dahil inireklamo ito ng pangongotong ng isang security agency dahil sa pangongolekta sa kanila ng 20,000 pesos para lamang mas mabilis na mai-proseso ang identification cards ng 32 security guards.


 

Bukod sa kasong Anti-graft and corrupt practices act at anti red tape act kakasuhan rin si Revecho ng kasong administratibo.

 

Nang isagawa ng CITF ang operasyon sa loob ng PNP SOSIA sa Camp Crame nakuha ang  20,000 pesos marked money.

 

Kaninang umaga, 642 Police Commisioned Officers at 55, 671 na mga Police Non Commissioned Officers ang na-promote na bahagi ng 1st semester 2019 regular promotion program.

Facebook Comments