Police Clearance, Naging Posas!

San Mariano, Isabela – Imbes na police cleareance, posas mula sa PNP San Mariano ang nakuha ng isang lalaki matapos mapag-alamang may nakabinbin pala itong kaso base sa kanyang police record.

Kinilala ang lalaki na si Jerold Grutas, tubong Brgy. Minanga, San Mariano, Isabela.

Batay sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan News Team mula sa PNP San Mariano, alas onse ng umaga kahapon, Enero 10, 2018 ng magtungo ang suspek sa San Mariano Police Station para kumuha ng Police Clearance na kanyang gagamitin sa pag-aapply ng trabaho bilang driver.


Sa pagsusuri sa kanyang police record napag-alamang may warrant of arrest ito sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.

Matapos dakipin ng mga pulis agad naman itong dinala sa opisina ni Judge Alfred Castillo ng Municipal Circuit Trial Court ng San Mariano upang mabigyan ng kaukulang hakbang.

Batay sa kautusan ng hukom, makakalaya lamang ang suspek kung makakapag piyansa ito ng halagang P30,000 piso.

Facebook Comments