Police Colonel na nakatalaga sa NCRPO, inaresto dahil sa paggamit ng sasakyang nakaw

657

Huli ang isang Police Colonel sa isinagawang entrapment operation ng Philippine National – Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) dahil sa paggamit ng sasakyang nakaw at kabilang sa National Alarm ng PNP Highway Patrol Group (PNP–HPG).


Sa ulat ng PNP-IMEG, ang suspek na pulis ay kinilalang si Police Lieutenant Col. Renato Banas Castillo na nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Personnel Holding and Accounting Section na naaresto sa Brgy. Silangan, San Mateo, Rizal pasado alas-6:00 ng gabi kagabi.

Si Castillo ay kasalukuyang nasa 30 days suspension dahil sa serious irregularities na may kinalaman sa kanyang trabaho ngunit kabilang siya ngayon sa mga pulis na schooling online kahit suspended.

Sa operasyon, nakuha sa kaniya ang sasakyan, issued firearms ang PNP at isang cellphone.

Sa isinagawang validation at intelligence ng PNP-IMEG, natukoy na July 17, 2020 nang simulang gamitin ni Col. Castillo ang nakaw na sasakyan.

August 5, 2014 nang mai-report sa PNP na ninakaw ang Toyota Innova na may plate number WKO-650 nang mismong may-ari nito na si Jonnel Sangalang pero sa latest verification ng PNP-IMEG ang nasabing sasakyan ay may iba nang plate number, ito ay AAM-3350 na para sana sasakyang ISUZU DMAX model.

Sa ngayon, nahaharap na ang Police Colonel sa kasong The New Anti-Carnapping Law, Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Code of Conduct and Ethical Standard.




Facebook Comments