Police officer na nakapirma sa kumakalat na Memorandum kaugnay sa planong pag-atake ng Maute group sa Metro Manila, sinibak

Manila, Philippines – Sinibak na ni Northern Police District director Chief Supt. Roberto Fajardo sa pwesto ang tauhan ng Valuenzela PNP na nakapirma sa kumakalat na Memorandum.

Ito ay kaugnay sa planong pag-atake ng Maute Group sa Metro Manila na ngayon ay kumakalat sa social media.

Kinilala ang police officer na ito na si Chief Inspector Jowielouie Bonaobra Bilaro, chief ng Valenzuela City Police Station Intelligence Branch.


Signatory ito sa kumakalat na memorandum dated June 16 na naka-address sa lahat ng police community precinct commanders.

Sakali namang mapatunayan na walang kasalanan o pagkukulang si Bonaobra ay ibabalik siya sa kanyang pwesto.

Nilinaw naman ni Fajardo na ang nakasaad sa kumakalat na Memorandum ay bini-verify pa ng pulisya kung kayat walang dapat na ipangamba ang publiko.

Kanina, una nang sinabi ni PNP Spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos na may katapat na parusa ang hindi awtorisadong pagpapalabas ng mga Internal Memorandum na para sa PNP lamang.

Panawagan naman ng PNP sa netizens na makakatangap ng Memo na huwag na itong ipakalat pa upang hindi magdulot ng takot.

Facebook Comments