Police officer patay sa road accident sa Kabacan North Cotabato

Patay ang isang police officer na nakatalaga sa North Cotabato Police Provincial Public Safety Company ng bumangga ang sinasakyan nitong motorsiklo sa kasalubong na dump track sa bayan ng Kabacan North Cotabato kaninang madaling araw . Kinilala ni Police Supt. Bernard Tayong ,tagapagsalita ng CPPO ang biktima na si PO3 Florant Jay Jalipa II res ng Pigkawayan North Cotabato.
Sskay ang biktima ng kanyang motorsiklo at tinatahak ang kahabaan ng Kabacan Carmen highway ng mangyari ang aksidente dakong ala 1:40 ng madaling araw kanina sa sitio Lumayong Barangay Kayaga.
Sinasabing nag overtake si Jalipa sa isang cargo track ng bumangga ito sa kasalubong na dump track na minamaneho ni John Rey Ca ay, 33 res ng Iligan City. Sa lakas ng impact ng pagkakabangga ay natanggal ang suot na helmet ng biktima at nabagok ang ulo nito sa kongkretong kalsada dahilan ng agaran nitong kamatayan.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments