Manila, Philippines – Hindi na papayagang magkampo sa harap ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang mga militanteng magsasaka.
Kaugnay nito, nagpatayo ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng isang police outpost sa lugar.
Pero paglilinaw ni DAR Acting Secretary John Castriciones, hindi ibig sabihin nito ay pinagbabawalan nilang magsagawa ng kilos protesta sa lugar ang mga militanteng grupo.
Aniya, ang DAR mismo ang humiling sa LGU na magpatayo ng outpost.
Ayon naman kay Vice Mayor Joy Belmonte, layon din ng pagtatayo ng outpost na mapabilis ang pagresponde ng mga pulis sa mga mabibiktima ng krimen sa lugar.
Plano rin ng QCPD na magdagdag pa ng tatlong outpost sa buong Elliptical Road.
Facebook Comments