Police – PSI Ricafrente: Iwas Krimen, Iwas Sunog, Maging Ligtas sa UNDAS 2017

Puspusan ngayon ang paghahanda ng kapulisan sa Naga City kaugnay ng tradisyunal na UNDAS – paggunita ng ALL SAINTS DAY at ALL SOULS DAY sa November 1 and November 2, 2017.

Sa programang Mike and Grace @ Ur Service ng DWNX na pansamantalang inupuan nina RadyoMan Manny Basa at RadyoMaN Paul Santos kahapon, alas 3-5 ng hapon, naging panauhin ng programa si PSI Randy Ricafrente, Officer-In-Charge ng Naga City Police Stastion 2. Kanyang binigyang diin ang preparasyon ng pulisya para mamantina ang kaayusan at katahimikan sa paggunita ng UNDAS 2017 lalo na sa lungsod ng Naga at karatig bayan. ( Si RadyoMan Grace Inocentes ay on Vacation Leave
samantalang si RadyoMaN Mike Marfega ay kabilang sa delegate ng Naga City sa Batang Pinoy Event sa Vigan, Ilocos Region )
Nagbigay din ng mga crime prevention tips si Recafrentre kasama na ang pagpapaalala sa mga household members na tiyaking secure ang mga pamamahay bago dumalaw sa puntod ng mga mahal sa buhay upang maiwasan ang krimen tulad ng pagnanakaw at iba pang aksidente tulad ng sunog sanhi ng napabayaang appliances na naka-plug sa mga outlet ng kuryente.

Hindi na bago sa madla ang mga nakalipas na bali-balita nitong mga nakaraang UNDAS kung saan ilang mga kabahayan ang nilooban at ninakawan, o nasunugan, dahil sa kawalan ng taong-bahay bunga ng pagdalaw sa puntod ng mga pumanaw ng mahal sa buhay tuwing UNDAS.


Binigyang diin din ni Ricafrente na pangunahing concern ng pulisya na matiyak ang katahimikan at kaayusan at upang maprotektahan ang kaligtasan ng publiko sa kahabaan ng paggunita ng ALL SAINTS DAY at ALL SOULS DAY sa darating na November 1 at November 2, 2017.
Kasama mo sa impormasyon at serbisyo publiko, RadyoMaN Paul Santos at RadyoMaN Manny Basa, Tatak RMN!

Facebook Comments